Monday, March 16, 2015

BITTER KASE! by BITTERana (yours trully)

Nagdagsan na talaga ang mga bitter sa mundo: Bitter sa kapitbahay (inggiterang pasosyal), Bitter sa love (pinagsabay/ hiniwalayan/ pinerahan/ rebound o ginawang koleksyon),
Bitter sa kaibigan (abah! gustong lumevel?!), Bitter sa friend ng friend (abah! pumapapel?!), Bitter sa gobyerno (gustong tumakbo),
Bitter sa ibang department (tapos na ang siglakas noh! move on ka na frin!),
Bitter sa studyante (hinay-hinay lang madam/ sir pro-student ang school natin.. may GCTC at OSA tayo pili lang po),
Bitter sa teacher (bakit? pang-ilang ulit mo na ba nyan te?: di marunong mag-turo, gustong-gusto magpahirap ng estudyante, andaming requirements na para bang nag-iisa lang siyang subject sa buong buhay mo, may favoritism obvious pa hah!, nakilala mo na ang buong pagkatao niya sa buong sem dahil buong sem tungkol sa buhay lang niya ang naidiscuss niya sa inyo, nakakaantok dahil siya rin ay inaantok, kung anu-ano ang ipinagagawa kahit wala namang relasyon ang asignatura sa ipinagagawa, sa buong sem isang subject matter lang ang naituro, sa sobrang hilig magliban sa clase attendance ng estudyante nagiging exam na! kaya naman ESTUDYANTE NGANGA!)
Ngunit may mga taong Bitter kahit walang dahilan. Mga natural na ang pagiging Bitter kahit anong gawin mo, mapupuna pa rin nila ito. Sabi pa nga nila: "May mga taong sadyang parang referee, ang mga mali lang ang binabantayan." Mag-ingat ka sa kanila, matalas ang pandinig at mga mata ang klase ng mga taong ayaw mong makasabay sa daan. Mi-ayaw mong makausap baka pati sentences, words, pronunciation, accent at kahit ang mga ideya mo'y punahin pa nila. Akala mo mga perfectionists lang ngunit parte lang yan nang kanilang pagiging bitter.
Wag ka nang magtaka na kahit walang namang pinagdadaanan, daig pa ang dinalaw sa kakareklamo! Madali lang naman silang matagpuan; at bilang isa sa kanila, ilalarawan ko ang kapatiran namin sa inyo at malay mo, kaanib ka pala namin.

1. Bitter ka kung... Sinabihan lang nang gwapo ang tao, pinuna mo na lahat nang negatibo at di ka pa nakunteto ginawa mo pang bakla

2. Bitter ka kung... Fashionista lang, tinawag mong OVER na agad (pero meron talagang over)

3. Bitter ka kung... Nag-excel lang bigla sa clase nandaraya na agad (pero meron naman talagang ang lalakas)

4. Bitter ka kung... Mahilig kang mamutol ng kaligayahan ng iba

5. Bitter ka kung... Naipost lang sa facebook ang mukha mong FAIL, nag-Report as Abused ka na agad

6. Bitter ka kung... Kahit alam mong pinagalitan ka dahil sa kagagawan mo, nagalit ka pa rin (dahil gusto mong pagalitan rin ang iba)

7. Bitter ka kung... nanood lang ng game si frin mo, naghahanap na agad ng papa?

8. Bitter ka kung... malakas kang mangureksyon pero ayaw mong ma-kureksyonan

8. Bitter ka kung... nandadamay ka sa pagiging bitter mo..

Marami pa yan! Kung uubusin ko baka kulangin pa ang isang araw mo sa kakabasa nito. Ibinase ko ito sa POV ng isang babae (eh malamamg babae ako eh!) pero same rin ito sa mga kalalakihan, kabklaan at lahat-lahat nah because bitterness knows no age and gender. Oh ano frin? kaalyado ba tayo?

1 comment:

  1. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    ReplyDelete