Thursday, October 11, 2012

My Own Story: Music Box . . . First Part

Music Box

Malalim na ang gabi at masyado nang malamig ang simoy ng hangin. Si Angela ay naghihintay parin sa nobya nitong si Jayson sa labas ng paaralan dahil susunduin ito ng nobya para masiguro nitong ligtas itong makakauwi sa kanilang bahay. Di kalayuan sa kanyang kinatatayuan, may isang lalaking tila nakatitig sa kanya. Napatingin si Angela sa sulok kung saan nandoon ang mismong lalake ngunit hindi niya ito makilala sa dilim ng paligid sa kinatatayuan ng mismong lalake. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at agad nitong sinubukang kontakin ang nobya sa telepono. Ilang beses niyang sinubukang tumawag pero hindi ito sinasagot ng nobya. Sa sobrang kaba, naisipan nitong pumasok uli sa loob ng paaralan dahil iniisip niyang mas mapapanatag ang kanyang kalooban at mas masisiguro ang kanyang seguridad. Sa pagpasok nito, sinubukan niyang ngumiti sa guwardiya ng paaralan na para bang walang nangyari. Napansin nito na balisang-balisa si Angela. “Miss? Ayos ka lang bah? Balisang-balisa ka ah. . “ tanong ng guwardiya. “Ayos lng ho ako, ‘wag ho kayong mag-alala” sagot naman ni Angela habang pinipigilan ang panginginig. Dumiretso si Angela sa isa sa mga tambayan ng paaralan at minabuting doon nalang maghintay sa nobya. Ngunit pakiramdam niyang may nanonood parin sa kanya na para bang bawat kilos niya ay binabantayan. Halos hindi siya makakilos. Halos hindi siya makalingon. Ayaw niyang mabigyan ng dahilan ang kanyang sariling mas matakot. At kung andoon lang sa paligid ang taong iyon, ayaw niya itong makaalam napapansin niya ito. Para magkaroon siya ng kasama, hinanap niya ang malapit na kaibigang si Abbie. Tinawagan niya ito at inalam sa kanya kung nasaan siya. Habang naglalakad siya, napadaan siya sa isang madilim na parte ng paaralan. Bigla nanaman niyang naramdaman ang hindi maipaliwanag na kabang naramadaman niya kanina sa labas. Habang naglalakad siya, nakiramdam siya sa kanyang paligid. Napansin niyang may sumusunod sa kanya. Nakiramdam uli siya at sapagkakataong ito, mukhang bumibilis na ang pakakalakad nito. Mas lalo siyang kinabahan at natakot. Walang ibang tao sa madilim na lugar na iyon kung hindi siya at ang taong humahabol sa kanya. Kumaripas siya ng takbo at nawalan ng direksyon kung saan siya pupunta. Hanggang umabot siya sa isang building na may mga silid-aralang hindi ginagamit sa gabi. Gaya ng inaasahan, mas madilim ito dahil malayo ito sa mga silid-aralang ginagamit sa gabi. Nagtago siya sa isa sa mga silid-aralan doon ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Si Jayson ay tumatawag! Sinagot niya ang tawag nito habang umiiyak ng dahil sa takot. “Babe, tulungan mo ako. Maawa ka sa akin.”; paghinigi ng tulong sa nobya. “Nasaan kah? Pupuntahan kita diyan.”; tanong ng nobya. “Nasa isa sa mga silid-aralan lamang ako dito sa bakanteng building tuwing gabi.”; sagot din ni Angela. Sa ingay na kanyang nagawa, malamang ay natunton na siya ng taong sumusunod sa kanya kaya dahan-dahan siyang kumilos upang umalis sa silid-aralang iyon. Ngunit, naabutan siya nito. Sinindi ang ilaw at nakita ang kangyang pagmumukha. Laking gulat sa nakita, “Ikaw?!; ang tanging nasambit ng dalaga. “Andyan ka lang pala”; sambit ng tao. “Pinatay ito, punit-punit ang damit at duguan sa mismong silid-aralang pinagtaguan bago namatay.”;kuwento ni Teng sa mga kaklase. “Alam niyo bah sino ang nakita sa crime scene?”;dagdag pa nito. “Ang kanyang nobya”. “Eh, nasaan ang nobya nito?”;tanong naman ni Shane. “Nasa Mental hospital atah. Eh, ayon kasi sa mga napagtanungan ko parang nabaliw atah...”; sagot ni Teng. “Hindi kaya... ang kanyang nobya mismo ang pumatay sa kanya?”; ideya ni Alex. “Posible, pero ang nakakapagtaka lang, walang finger prints ang katawan ni Angela. Kung walang Finger Prints, ibig sabihin ayaw itong magpahuli. Pero bakit hindi umalis si Jayson na alam naman niyang makikita siya ng mga pulis.”; pagtataka ni Teng. “eh, kasi nga baliw siya”; dagdag pa ni Raven. “Nakaktakot naman pala dito”; sabi ni Shane. “Balita ko, nasuspinde raw ang mga klase sa gabi”; pagbahagi ni Sean. “Ooh, nasuspinde nga ang klase... eh; Teng, anong nangayari sa guwardiya? Paano nakapasok ang killer?”; pagsagot at pagtataka ni Bill. “Sa tutuo lang, kahit ang guwardiya ay nasuspindido rin dahil sa nangyari. Pero, hula ko, taga looban lang ang suspect. Eh, nakapasok eh”; sagot ni Teng. “Tama, tagalooban nga kasi naman diba? Kailangan ng ID para makapasok? Malamang may ID yun ng ID dito.”; teorya ni Raven. “eh, Teng? Si Abbie? Diba best friend yun ni Angela?”; tanong ni Shane. “Si Abbie? Ooh. . . yun nga rin ang nakakapagtaka eh, nawala si Abbie matapos nangyari ang krimen.”; dagdag pa ni Teng. “pero, diba ang sabi nakabook na raw ito papuntang America matagal nah?”;tanong ni Shane. “Maaaring planado niya ang lahat”; teorya ni Sean. “Uy, uy,uy... wag niyo nga kayong agad mambintang ng ibang tao, masama yan.”; pakikisali ng kanilang guro sa philisophy na si Sr. Jo. “sir, pasensya ho. Nadala lang po sa diskusyon.”; palusot ni Alex. “Oh sha sige at may klase pa ako.”; pagpapaalam ng guro.






_That's all for now. . .  sorry. . . no time to continue it yet. . .

No comments:

Post a Comment